2nd Grading Activities


Science Park

Nemo ang Batang Papel
Ang aking dating paaralan
Dati kong paaralan, WMSU

Ang dati kong paaralan, WMSU
Madaming puno’t halaman
Kayganda ng canteen,
May binebenta pang pantene.

Kaysarap ng pagkain,
Mabibili sa canteen.
Masimoy ang hangin,
Sana’y marinig ang aking
Panalangin.

Kaylaki ng bakanteng lote,
Nakikita ang naglalakihang mga bote.
Gayunman mahal ko parin ang paaralang kong ito,
Kaya muli ko itong bibisitahin.
Aking paaralan, paalam na.



Alamat ng Putik
Alamat ng Putik

Noong unang panahon sa may sakahan sa isang bukid sa Mindanao may isang matapang at malakas na sultan nangangalang Rajah Suklam. Siya’y binayaan ng kakaibang lakas ng isang diyosa nangangalang Tai-Tai. Si Rajah Suklam ay isang masamang sultan, pinapaslang niya ang mga mahihirap at minsan pinaparusahan ng kamatayan ang sinumang hindi sumusunod sa kaniyang utos. Dahil dito siya’y sinusuklaman ng mga mamamayan.

Isang araw nang pumunta si Suklam sa kagubatan, may nakita siyang dalawan bata kumakain ng sari-saring gulay at litson. Nilapitan ito ni Suklan at kinuha ang pagkain. Si Putik at Tikpu ay natatakot ngunit sa kanilang palad, Si Tikpu ay sumuway. Si Suklam ay nagalit at sinakal ang bata hanggang sa namatay ito. Nabigla si Suklam nang siya’y nanigas sa matubig na lupa na nilalaman ang iyak ni Putik. Ilang taon ang nakalipas nabuhay ng mapayapa ang mga mamamayan at tinawag Putik ang lugar na iyon. 


Bagay na Mahalaga sa Iyo
Papel

Ako ay si Papel. Ako ay simple lamang sapagkat ako’y yari lamang sa kahoy. Ang amo ko ay si Joey. Ako ay importante sa kanyang buhay sapagkat ako ang nagsisilbing lugar kung saan siya magsulat. Kasama ko ang aking amo sa mga competisyon at kung saan man siya’t mapunta. Ngunit minsan ako’y inaabuso ng ibang tao sapagkat ako’y sinasayang nila at ginagawang laruan katulad ng airplane at paper boat. Gayunman malalaman din nila ang aking kahalagahan. 

Hindi lamang ang mga mag-aaral ang gumagamit sa akin dahil bata man o matanda, babae man o lalaki, bakla o tomboy ay ginagamit parin ako para sa kanilang mga basic needs. Kaya kailangan ako pahalagahan ng lahat. Salamat pos a aking mabait na amo at mga ibang mabait na tao. Salamat po!


Nemo Ang Batang Papel






Kababalaghan Sa aking Buhay


Kababalaghan Nangyari Sa Aking Buhay
Nakakatindig ng Bahlahibo na Ingkanto


Noong bata pa ako, pumunta kami sa Basilan, Lo-ok. Noong makarating kami doon sa Lo-ok kung saan nakatira ang Lolo at Lola ko. Sabin g aking Lola sa akin, may nakatira dawn a Ingkanto na nakapalibot sa kanilang bahay. Kapwa silang magaganda at mabait ngunit mayroon ding mapag laro at minsan may mga masasama pa. Kinuwento ito sa aking ng aking lola ng alas 11 ng gabi. Isang araw nung ako’y bibili ng suka’t toyo, may nakita akong isang magandang babae na kasing edad ko lang. Ako’y nabigla sapagkat ako’y kanyang nilapitan. Tumakbo ako ngunit maya-maya niyaya niya akong pumunta sa kanilang bahay at tumanggi ako. Sabi ng aking lola siiya’y isang Ingkanto



 Kakaibang Balita


Bata, natagpuang patay! Ipis, lumalabas sa kanyang bibig.
Binarang?

Si Preyhumty Tugbana, siyam na taong gulang na bata, natagpuang patay sa likod ng kanilang bahay sa Kidapawan, noong August 11, 2012. Natagpuan  siya ng kanyang pinsan na si Earlaia na may ipis na lumalabas sa bibig. Pinghihinalaan ng kanyang mga magulang na ang kanilang anak ay nabiktima ng isang mambabarang na nakaaway nila ito sa isang alitan sa lupa. Ilang araw bago ang insidente, may namatayan silang aninong umaaligid  sa paligid ng kanilang bahay. Isang taon na ang nakalipas at may isa pang bata na nabiktima sa parehong aksidente.



Komiks
.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento